RIDING IN TANDEM | Sugatan ang 52-anyos na babae sa pamamaril sa QC

Manila, Philippines – Sugatang isinugod sa Diliman Hospital ang 52-anyos na babaeng purok leader matapos barilin ng lalaking sakay ng motorsiklo sa San Miguel St. Sto Niño Barangay Commonwealth Quezon City.

Baba at leeg ang tamang tinamo ng biktima na kinilalang si Imelda Cartagenas.

Ayon kay Bebot Cartagenas, anak na lalaki ng biktima, malaki ang kinalaman sa trabaho bilang environmental enforcer ang pamamaril sa kanyang ina.


Sabi ng batang Cartajenas, posibleng mayroong mga nagagalit sa pagiging istrikto ng kanyang ina sa pagpapatupad sa tamang pagtatapon ng basura sa kanilang lugar.

Naniniket aniya ito para magmulta ang mga residenteng hindi sumusunod sa ‘segregation’ ng basura, nagtatapon at umiihi kung saan-saan.

Sabi ni Cartagenas, maaring may nagtanim ng galit sa kanyang ina at ito ang tanging motibo ng suspek sa pamamaril.

Dakong alas 7:15 ng umaga kanina habang nagbabantay sa truck na naghahakot ng basura nang lapitan ng naka-helmet at jacket na suspek ang babaeng barangay official at dalawang beses pinaputukan.

Facebook Comments