Mas palalakasin pa ang seguridad lalo na sa pagpapatupad ng checkpoint sa bawat entry at exit points ng syudad, ito ang naging direktiba ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi sa security forces kasabay ng isinagawang First Quarter City Peace and Order Council Meeting.
Inaasahan rin ang mas intesified random checkpoint sa bawat sulok ng syudad bunsod na rin sa mga naitalang kaso ng pamamaril sa pagpasok ng taong 2020 giit pa ng alkalde.
Sa record ng City PNP mahigit 20 kaso na ng pamamaril ang naitala sa syudad sa unang dalawang buwan pa lamang ng taon.
Sinasabing halos 90 porsyento sa mga nasangkot sa naitatalang kaso ng pamamaril ay hindi mga taga syudad. Karamihan rin sa naging dahilan ng insidente ay Away Pamilya o Rido na nagmumula sa kalapit lalawigan at nagkataon lamang na dito nangyari sa syudad dahil na rin sa naging sentro ito ng komersyo, edukasyon, at negosyo dagdag pa ng Alkalde.
Kaugnay nito hinahamon at nanawagan si Mayor Cyn sa mga opisyales ng mga bayan malapit sa syudad na bigyang pansin ang RIDO na nagmumula sa kani kanilang mga lokalidad.Naway maayos na ng mga ito ang away pamilya ng kani kanilang mga kababayan o dili kayay huwag ng dalhin sa Cotabato City.
Hinihimok rin nito ang mga Baranggay Officials na doblehin pa ang pagsisikap na mapanatili ang katiwasayan sa syudad.
City PNP