Rightsizing ng mga ahensiya ng gobyerno suportado ng ilang senador

Suportado ni Senador Joel Villanueva ang rightsizing ng mga ahensya ng gobyerno.

Gayunpaman, sinabi ni Villanueva na bago pag-usapan ang rightsizing ay may ilang isyu munang kailangang sagutin ang national government.

Una, sinabi ng senador na 1 out of 10 ng mga awtorisadong posisyon sa national government ang hindi pa rin napupunuan ngayon.


Ayon pa kay Villanueva, kailangan ng komprehensibong pag-aaral sa staffing pattern ng mga government agencies para matukoy kung ang mga kasalukuyang plantilla positions ay lipas na, redundant o hindi na kailangan.

Ikalawa, aniya ay kung bakit marami pa ring mga government workers ang nasa bilang ng Job Order (JO) o Contract of Service (COS) kahit marami pang hindi napupunuang plantilla positions.

Kasabay naman nito ay binigyang diin ni Villanueva na dapat ding paghandaan ng pamahalaan ang Employment generation program sakaling kinakailangang mag-alis ng ilang mga empleyado sa gobyerno.

Handa aniya ang Senado na makipagtulungan sa ehekutibo para masolusyunan ang mga isyung ito.

Facebook Comments