Mga tricycle driver at operator binigyan ng ‘Fuel Subsidy’ ng QC Government

52

Kinumpirma ngayon ng Quezon City local government (LGU) na muli silang namudmod ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng tricycle sa District 2 ng QC.

Pinangunahan nina District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, Task Force on Transport and Traffic Management Head Dexter Cardenas, at Tricycle Regulatory Division Chief Benjamin Ibon III ang pamimigay ng ayuda na idinaan sa fleet card.

Aabot sa 274 na TODA members ang nabigyan ng ayudang ₱1,000.


Una nang namigay ng kahalintulad na tulong sa District 4 ng lungsod kung saan nabiyayaan ang 1700 driver at operator noong nakalipas na linggo.

Ayon sa QC LGU, tugon ito ng lungsod para maalalayan ang nasa sektor ng tricycle dahil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.

Paliwanag ng LGU na ang programa ay naisakatuparan sa pamamagitan ng ordinansa na inakda ni dating Councilor at ngayon ay District 3 Cong. Franz Pumaren.



Facebook Comments