#RIPRicoJPuno | Showbiz industry, nagluluksa sa pagpanaw ni OPM icon Rico J. Puno

Manila, Philippines – Nagluluksa ngayon ang showbiz industry sa pagkamatay ng OPM legend na si Rico J. Puno.

Bukod sa pagbibigay ng dasal, nagpaabot din ng pakikiramay ang mga nakasama ng singer sa industry kung saan ang ilan sa mga ito ay nagulat sa biglaang pagpanaw ni Rico J.

Kabilang sa mga nagbigay ng tribute sa total entertainer ay sina Martin Nievera, Lea Salonga, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Jessa Zaragoza, Ogie Alcasid at ilan pang palalapit sa singer.


Ang singer ay nakilala sa kakaiba niyang boses at style ng pagkanta kung saan nilalagyan niya ng “baby, baby” ang kanyang mga awitin.

Kabilang sa mga pinasikat niyang kanta ang “kapalaran”, at ang naging tatak na niyang “macho gwapito”

Facebook Comments