NAHARANG | Isang kilalang media outlet sa Amerika, pinadalhan din ng package na may lamang bomba

26

Isang package na katulad din sa naunang 14 na pipe bombs ang naharang ng mga otoridad na ipinadala sa CNN worldwide headquarters.

Ito na ang pangatlong beses na pinadalhan ang kompaniya.

Ayon sa Federal Bureau of Investigation, malaki rin ang hinala nila na ang package ay galing din kay Cesar Sayoc.

Si Sayoc ang suspek na nasa likod nang pagpapadala ng mga package sa kilalang mga indibidwal na karamihan ay mga kritiko ni US President Donald Trump.

Facebook Comments