RITM, itinangging nangangalap sila ng donasyon

33

Mariing itinanggi ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na sila ay nangangalap ng donasyon sa pamamagitan ng tawag sa telepono, text message at sa social media.

Ayon kay RITM Director Celia Carlos, hindi sa kanila nagmula ang mga mensahe na nakaapekto sa mga supplier ng RITM at mga netizen.


Sinabi pa ni Carlos na hindi sila sumasali sa ganitong gawain at lalong hindi siya nag-uutos sa mga tauhan o kinatawan ng RITM na gumawa ng ganitong uri ng hakbang.

Dagdag pa ni Carlos, lahat ng transaksyon ng RITM ay naka-dokumento at may letterhead kung saan aprubado ito at may pirma mula sa opisina ng direktor.

Dahil dito, hinihikayat ni Carlos ang publiko na isumbong kung may makaka-engkwentro na ganitong uri ng panghihingi ng donasyon sa Communications Office ng RITM sa email na communications@ritm.gov.ph o sa official Facebook page ng RITM.

Facebook Comments