Barangay Ginebra, nasungkit ang unang pwesto sa team standings sa 2020 PBA Philippine Cup

52

Nasungkit ng Barangay Ginebra ang top spot sa team standings sa 2020 PBA Philippine Cup matapos talunin ang TNT Tropang Giga.

Tinalo ng Gin Kings ang Tropang Giga sa score na 85-79 kung saan naging best player ng Ginebra si LA Tenorio na may 15 points at 9 assists.


Dahil sa panalo ng Ginebra, hawak nila ngayon ang 7-2 win/loss record habang ang TNT ay may anim na panalo at tatlong talo.

Samantala, hindi naman pinaporma ng NLEX Road Warriors ang San Miguel Beermen.

Tinambakan ng NLEX ang San Miguel sa score na 124-90.

Facebook Comments