RITM, popondohan ng DOST para pag-aaralan ang paggamit ng saliva samples para sa COVID-19 testing

Popondohan ng Department of Science and Technology (DOST) ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para pag-aralan ang paggamit ng saliva samples sa COVID-19 testing.

Ayon kay DOST Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya, sinisilip na nila ang posibilidad na gamitin ang laway bilang specimen para sa COVID-19 diagnosis.

Ang pondong ilalaan ay nagkakahalaga ng ₱18 million kung saan kabilang ang partisipasyon ng nasa 200 suspected COVID-19 cases na sasailalim sa saliva at swab samples.


Aniya mas madali ang saliva testing lalo na sa mga mahirapang kuhanan ng swab dahil nararamdaman nila na sila ay tila nasusuka.

Isinasapinal pa nila ang requirements at protocol para dito.

Posibleng simulan ang pag-aaral sa loob ng dalawang linggo.

Facebook Comments