RIVER SYSTEMS SA BUONG PANGASINAN, BABANTAYAN NG PDRRMO SA POSIBLENG MGA PAGBAHA NGAYONG TAG-ULAN

Babantayan ng pamunuan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ang mga bayan sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa mataas na posibilidad ng pagbaha ngayong panahon ng tag ulan.

Sinabi ni Ron Dale Castillo, Research and Development Head ng PDRRMO kabilang sa kanilang babantayan ay ang Marusay River ng Calasiao, Sinocalan River ng Sta. Barbara at ilang pang river system sa buong lalawigan dahil sa mga posibleng pag apaw ng mga ito tuwing umuulan na maaaring makaapekto sa mga residente lalo na sa mga nakatira sa low lying areas.

Dagdag pa ni Castillo na patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa mga Local Disaster Management Teams ng bawat bayan at siyudad upang mamonitor at masiguro ang kaligtasan ng mga residente.


Sa ngayon na kahit paunti unti ng nararanasang ang mga pag ulan ay nilinaw pa nito na nasa below normal pa ang antas ng lebel ng tubig sa mga ilog sa lalawigan.

Hinikayat naman nito ang mga tao na huwag magpakampante at patuloy na maghanda.
Samantala, activated naman na umano ang Barangay Response Team na nangunguna sa pagbabantay sa mga kalagayan ng mga residente lalo na ang mga nasa kalapit na ilog ang kanilang tirahan.

Facebook Comments