MUNICIPAL HALL, RHU AT OPISINA NG SANGGUNIANG BAYAN NG SISON ISASARA MATAPOS MAGPOSITIBO SA COVID-19 ANG TATLONG KAWANI

33

Isasara ngayong araw ang municipal hall, rural health unit at opisina ng Sangguniang Bayan ng Sison upang magsagawa ng disinfection at contact tracing bilang pag-iingat sa COVID-19.

Ayon sa lokal na pamahalaan nagpositibo dito ang tatlong kawani ng municipal government matapos magsagawa ng pagsusuri sa mga empleyado.


Tuloy naman ang isasagawang swab test para sa mga kawani dito sa Sison Stadia maging ang vaccination kontra COVID-19 sa mga barangay.

Bubuksan ang mga nasabing opisina sa araw ng Miyerkules, ika-16 ng Hunyo.
Hindi naman kasama sa mga isasara ang Municipal Civil Registry.

Pakiusap ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagsunod sa mga ipinatutupad na minimum health standard bilang panlaban sa COVID-19.

Facebook Comments