Rizal, Kalinga, Isasailalim sa Critical Epidemic Risk dahil sa COVID-19 cases

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng 32 aktibong kaso ng COVID-19 ang Rizal, Kalinga kung saan inaasahang maisasailalim sa critical epidemic risk at naaayon na ipatupad ang Enhanced Community Quarantine, batay sa ulat ng Provincial Epidemiological and Surveillance Office.

Base sa ulat ni Municipal Health Officer, Dr. Brendalyn Sebastian, walo sa mga kasong ito ang na-confine sa Juan M. Duyan Memorial District Hospital, 13 naman ang naka-isolate sa Municipal Isolation Unit, 3 naman ang nasa pangangalaga ng San Juan General Hospital, 1 ang ini-refer sa Baguio General Hospital habang 4 naman ay nananatili sa kanilang bahay.

Samantala, inanunsyo naman ng Provincial Health Office ang tatlong kumpirmadong kaso ng COVID-19 variant of concerns kung saan dalawa dito ay mula sa Pinukpuk at Tabuk City na nahawaan ng B.1.1.7 o UK variant habang ang isa ay mula sa Anunang, Liwan West, Rizal na nahawaan ng South African variant o B.1.351 variant


Sa kaso ng bayan ng Rizal, nakapagtala ng 215 confirmed cases kung saan 276 ang nakarekober, pito naman ang nasawi at 32 ang nananatiling aktibo.

Nagpatupad naman ng surgical lockdowns ang LGU Rizal sa barangay na kinabibilangan ng pasyente para limitahan ang paggalaw ng tao.

Facebook Comments