Rizal Medical Center, lilimitahan muna ang pagtanggap ng pasyente dahil sa problema sa suplay ng tubig

64

Lilimitahan muna na ng Rizal Medical Center sa Pasig City ang pagtanggap ng mga pasyente dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig.

 

Sa impormasyon nakuha ng DZXL RMN Manila, nabatid na kulang ang nirarasyon na tubig sa naturang ospital kung kaya’t damay dito ang mga naunang pasyente na kanila nang na-admit.

 

Maging ang mga buntis ay pinagdadala na din nila ng mineral water para magamit nila ito sa oras na sila ay  manganak.

 

Umaapela naman ngayon ang mga residente at pamunuan ng mga eskwelahan sa Mandaluyong City na dagdagan ang mga tubig na nirarasyon sa kanila dahil kulang na kulang daw ito.

 

Dahil dito, ilan sa mga estudyante ay hindi na nakakapasok pa sa eskwelahan habang ang mga guro ay problemado na din kung paano nila mapapalinis ang kanilang palikuran maging ang paligid ng kanilang paaralan.

Facebook Comments