Subpoena, nakatakda nang ipalabas ng DOJ laban sa iba pang kotong cops ng Pasay

156

Nakatakda nang ipalabas ng DOJ ang subpoena laban sa iba pang pulis ng Pasay City na nadakip dahil sa pangongotong sa pinagbintangan nilang drug trader.

 

Partikular na pinadadalo ng DOJ sa preliminary investigation sina P/insp. Ronaldo Frades, PO3 Rigor Octaviano, PO1 Anthony Fernandez, at PO1 John Mark Dg Cruz na nahaharap sa kasong kidnapping.

 

Una nang ipinag-utos ng Justice Deparment na kasuhan sa korte ang isa sa mga sinibak na miyembro ng Pasay Police station 1-anti-illegal drug team na si PO2 Sajid Anwar Nasser.

 

Unang nagkasa ng entrapment ang mga otoridad kasunod ng reklamo ni ginang Joan Junsay Dela Torre na hinggil sa pangingikil daw sa kanila ng mga pulis ng isang daang libong piso kapalit ng kalayaan ng kanyang mister na si Jorge Gomez Revilla at doon naaresto ang pasay kotong cops.

Facebook Comments