Patuloy na namamayagpag sa ratings ang mga RMN stations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa latest KBP-Kantar survey, nananatiling top 1 radio stations sa Iloilo ang RMN DYRI 774 at 95.1 iFM Iloilo na may combined market share na 91.5%.
Kasunod nito, nagpapasalamat si RMN DYRI Station Manager Ronel Sorbito sa lahat ng mga patuloy na tumatangkilik at naniniwala sa RMN.
Nagpapasalamat din si iFM Iloilo Station Manager Roderick Cejes sa suportang ibinibigay ng pamunuan ng RMN networks at ng kanilang mga listeners.
Bukod sa RMN at iFM Iloilo, number 1 pa rin sa Cagayan de Oro City ang RMN DXCC 828 at 99.1 iFM Cagayan de Oro na may 46.5 percent na radio listening market share at opisyal na ngayong number one radio network sa “City of Golden Friendship”
Ayon naman kay iFM Cagayan de Oro Station Manager Nathaniel Nemil, malaking karangalan ang kanilang pagiging numero uno sa himpapawid.
Samantala, hindi naman nagpapahuli at number 1 din mula sa mga news format radio stations AM at FM ang 104.7 iFM Dagupan.
Ayon kay iFM Dagupan Staton Manager Mark Espinosa, inspirasyon nila ang mga listeners at ang mga kapwa RMN at iFM stations.
Ipinagmamalaki naman ni RMN Executive Vice President at Chief Operations Officer Enrico Canoy ang mga achievement na ito ng RMN stations na magdiriwang ng ika-70 anibersaryo ngayong taon.