RMN Christmas Lighting 2018, inaantabayanan na mamaya!

Isasagawa na mamayang hapon ang ‘RMN Christmas Lighting’ 2018.

Ito ang magiging paunang tradisyon ng Radio Mindanao Network (RMN) ngayong Pasko.

Sa programa, sabay-sabay papailawin ang Christmas tree ng bawat himpilan ng RMN at iFM sa buong bansa.


Dito sa RMN DZXL Manila, mula noong December 10 hanggang kahapon ay aabot 40 tagapakinig ang nagsabit sa puno ng kanilang Christmas wish na trabaho.

Ang mga mapipiling Christmas wish na isinabit sa RMN Christmas tree ay mananalo ng premyo.

Ang ningning mula sa ilaw ng Christmas tree ay magsisilbing inspirasyon para sa patuloy na paghahatid ng serbisyo at pagbibigay ng pag-asa sa bawat sambayanang Pilipino.

Facebook Comments