RMN Christmas Tree Lighting Event, Mamya Na, Wishes ng mga Listeners, Nebulizers, Kusinilya Pangkabuhayan, TV Sets, Pang Noche Buena, Bibigyang Katuparan ng mga Generous Sponsor -Listeners

*Mamyang hapon na po, ganap na alas 5:30 ang pinakahihintay na Christmas Tree Lighting ng RMN – Radyo Mo Natonwide. *
*Dito sa RMN Naga – DWNX, kasabay ng lahat ng mga RMN radio stations sa buong bansa, paiilawin na ang makulay na Christmas Tree sa harap ng RMN Naga Broadcast Center dito sa Zone 6, Barangay Del Rosario, Milaor, Camarines Sur. *
*Kasabay nito, magpapaabot din ng “MAOGMANG PASKO ASIN MAGAYA-GAYANG BAGONG TAON SA INDO GABOS!” ang tanyag na pagbati ng mga Bicolano sa bawat isa tuwing panahon ng kapaskuhan. *
*Bilang bahagi din ng diwa ng okasyong ito, babasahin on air ang mga CHRISTMAS WISHES na isinabit ng mga tagapakinig para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay. *
*Sa pamamaraan ng mga RadyoMaN at pakikiisa ng mga mababait at mapagbigay na mga certified Listeners ng DWNX higit 30ng mga wishes din ng mga NX listeners ang mabibiyayaang mabibigyan ng katuparan tulad ng isang wish ng listener na sana maregaluhan sila ng kapatid niya ng dalawang alkansiya para makapagsimulang makaipon. Meron ding dalawang nag-wish na sana mabiyayaan ng Nebulizers ang kanyang nanay na matagal ng nahihirapan sa paghinga sanhi ng hika at sa isa pang pamilyang may anak na may hika. May nagwish din ng kusinilya pangkabuhayan na mabibigyan din ng katuparan sa tulong ng isang sponsor/donor. *
*May mga nagwish din ng Television sets, kung saan dalawang sponsor naman ang very generous na nakipag-ugnayan sa DWNX upang i-grant ang kanilang wishes. *
*Karamihan sa mga wishes na isinabit sa ating RMN DWNX Christmas Tree ay pang-Noche Buena sa kapaskuhan kung saan, mahigit 50 Noche Buena package naman ang naipon ng DWNX para ipamahagi sa mga listeners na nag-wish ng konting mapagsalu-saluhan ngayong pasko. *
*Ang Christmas Tree project ng RMN ay very instrumental din para lalo pang mapagtibay at lalo pang mapabuti ang ugnayan ng mga RadyoMaN ng RMN Naga-DWNX sa mga pamilya ng mga certified RMN DWNX Listeners. *
*Mula sa inyong mga RadyoMaN dito sa RMN Naga – DWNX sa pangunguna ng aming pinuno na si Station Manager Al Ubana, kami pong lahat ay mainit na nagpapa-abot ng “MAOGMANG PASKO ASIN MAGAYA-GAYANG BAGONG TAON SA INDO GABOS!”*
*Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Mike Marfega, Tatak RMN!*
*Tags: RMN Christmas Tree Lighting, RMN Naga-DWNX*








Facebook Comments