Mga magsasaka na biktima ng baha sa Zamboanga del Norte nakatanggap ng binhi ng palay at mais mula sa DA at ng pamahalaang probinsyal.
Mayroong humigit-kumulang isang libung mga magsasaka sa lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Zamboanga del Norte na biktima ng baha ang nakatanggap ng binhi ng palay at mais mula sa Department of Agriculture (DA) at ng Office of the Prvincial Agriculturist ng pamahalaang probinsyal kamakailan.
Sa maikling programa na pinangunahan ng tanggapan ng Agrikultura sa lungsod ng Roxas, si Municipal Administrator Boy Digal na nag-representa ni Mayor Jan Hendrick Vallecer ay nagpaabot ng pasasalamat nila ni Gov. Roberto Uy, Vice-Gov. Senen Angeles at kay Ms. Ana Aying ng rehiyunal na tanggapan ng DA sa syudad ng Zamboanga sa ayudang binigay nila sa mga magsasaka na biktima ng baha noong Enero 16 nitong taon.
Ayon pa kay Mr. Digal, na maliban sa nasabing ayuda, mayroon pang maraming programa at proyekto na ibubuhos sa nasabing lungsod mula sa lalawigan kung saan pinagsisikapan ng gobyerno na makabangon ang mga biktima mula sa nasabing trahedya.
Napag-alaman din mula kay Municipal Agriculturist Ofelia Alfon, na sa lungsod ng Roxas aabot sa P42.8 million ang naging danyos sa agrikultura dahil sa nangyaring baha noong ika-16 ng Enero nitong taon.
Facebook Comments