RMN DWNX Naga sa Kaparaanan ng RMN Foundation at Metro Bank Foundation Namahagi ng Regalo sa mga Mag-aaral ng Triangulo Elementary School sa Naga City

15

January 15, 2020
UMAABOT sa isandaang bilang ng mga mag-aaral ng Triangulo Elementary School (TES) sa Barangay Triangulo, Naga City ang nabiyayaan ng mga regalong inihatid ng RMN Naga DWNX sa kabutihang loob ng RMN Foundation at Metro Bank Foundation.
Sa pamamagitan ng isang maikli at simpleng programa, nagbigay ng mensahe ng pasasalamat at pakikipagtulungan sina Principal Neil Romano Manaog, Schools Division Superintendent Mariano B. De Gusman, at RMN Naga DWNX Station Manager Al B. Ubana.
Ang mga regalong ipinamahagi sa mga mag-aaral ay naglalaman ng notebook, lapis, ballpen, alcohol, toothpaste, toothbrush, biscuits, powdered milk,
Ang TES ay pangatlo na sa mga paaralang nabahaginan na ng mga handog regalo mula sa RMN Foundation at Metro Bank Foundation nitong mga nakaraang panahon. Una ng nakapag-reach-out ang RMN Naga DWNX sa mga eskwelahan ng Bal-Flor Elementary School sa bayan ng Milaor, Camarines Sur at Balatas Elementary School sa Naga City.
TES, RMN DWNX, RMN Foundation, Metro Bank Foundation, RMN Networks













Facebook Comments