VP Robredo, hinamon si Atty. Jude Sabio na pangalanan ang miyembro ng LP na umano’y nag-utos sa kanya na maghain ng kaso sa ICC

2434

Gustong malaman ni Vice President Leni Robredo kung sinong taga-Liberal Party ang tinutukoy ni Atty. Jude Sabio na naka-impluwensya sa kanya para magsampa ng kaso sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Ito ay kasunod ng pag-atras ni Sabio sa inihain nitong reklamo laban sa Pangulo sa ICC.

Ayon kay Robredo – pinapalabas kasi ni Sabio na ang LP ang nasa likod ng paghahain ng reklamo sa ICC na pawang kasinungalingan.

Giit din ni Robredo – hindi rin niya personal na kilala si Sabio.

Kinuwestyon din ni Robredo ang motibo sa likod ng hakbang ni Sabio, lalo na at tinulungan siya ni Atty. Larry Gadon – isa sa mga abogadong nagsampa ng sedition case laban sa kanya at iba pang mga taga-oposisyon.

Facebook Comments