RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation, namahagi ng mga food packs sa mga frontliners sa lungsod ng Marikina

Umaabot sa 200 indibidwal na pawang mga frontliners sa isa sa mga vaccination site sa lungsod ng Marikina ang nabigyan ng libreng pagkain mula sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho at RMN Foundation.

Ito’y kasabay ng selebrasyon ng Nutrition Month kung saan ang aktibidad na ito ay isinagawa na rin ng iba’t ibang RMN stations nationwide bilang pakikiisa sa Buwan ng Nutrisyon.

Ang Buwan ng Nutrisyon ay ginaganap tuwing buwan ng Hulyo taon-taon upang bigyang atensiyon ng publiko ang kanilang nutrisyon at magkaroon ng sapat na kaalaman sa kahalagahan nito.


Partikular na tinungo ng team ng Radyo Trabaho at RMN Foundation ang vaccination site sa Marikina Sports Center.

Ang mga benepisyaryo naman ay pawang mga volunteers kung saan sila ang umalalay sa mga nais magpabakuna para sa 1st at 2nd dose ng COVID-19 vaccine.

Sa mga nais naman tumulong, maaari kayong magpadala ng inyong donasyon sa BPI account no. 0071-1015-25 o makipag-ugnayan sa RMN Foundation Facebook page o mag-email sa rmnfoundation@rmn.ph.

Facebook Comments