RMN Foundation at iFM Vigan, muling nagbahagi ng saya sa mga bata sa Paratong, Vigan

Bago pa man matapos ang taong 2025, muling nagbigay ng galak at saya ang RMN Foundation at iFM Vigan sa mga bata sa Paratong, Vigan City.

Ito ay naging posible dahil sa Radio Mindanao Network (RMN) Foundation Inc. at Ma. Corrina Canoy Gift Giving and Feeding Program na ginanap kahapon, Disyembre 28.

Katuwang din ang nagkaisang pwersa ng iFM 105.3 Vigan, nakapagbigay ng mga laruan, rice meal, at sopas sa 105 na mga bata sa naturang barangay.

Facebook Comments