RMN Foundation, DZXL RMN Manila at partners nito, nagbigay saya sa mga street children sa lungsod ng Maynila

53

Hindi na naitago ng ilang kabataan sa Ermita, Maynila, ang tuwa matapos matanggap ang mga regalo kasabay ng RMN Makakarating Ngayong Pasko, Christmas Thanksgiving Activity.

Ito ay hatid ng RMN Foundation, katuwang ang Metrobank, Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs, Las Piñas Dental Chapter, Childhope Philippines Foundation, Inc., at ang ating himpilan, DZXL 558 Radyo Trabaho.

Ang shoebox na ipinamahagi ay naglalaman ng pagkain, school supplies at personal hygiene products.


Kanina nagpakitang gilas ang mga bata sa pagkanta.

Bukod sa pagsisipilypo, tinuruan ng Inner Wheel Club of Las Piñas & Environs, ang mga bata sa tamang paghuhugas ng kamay na malaki ang naitutulong laban sa COVID-19.

Facebook Comments