Siyam sa 20 na barangay ng Las Piñas City, zero cases na ng COVID-19

59

Inihayag ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas na sa 20 barangay nito, siyam (9) dito ay mga zero COVID-19 cases na.

Batay sa kanilang abiso, ito ay ang Barangay Elias Aldana, Ilaya, Manuyo Uno, Manuyo Dos, Pamplona Tres, Pamplona Dos, Pulang Lupa Dos, Talon Uno, at Talon Tres.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ilang araw nang walang naitatalang bagong kaso ng nasabing sakit ang mga nabanggit na barangay.


Nasa 21 na lang ang kabuuang bilang ngayon ng aktibong kaso sa lungsod.

Sa kasalukuyan, umabot na ng 29,650 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 28,924 nito ay mga nakarekober na habang ang 705 naman ay mga nasawi na dulot ng nasabing sakit.

Facebook Comments