Matapos ang matagumpay na “Oplan Tabang” sa Surigao, nakikipag-ugnayan ngayon ang RMN Foundation sa Office of Civil Defense para matukoy ang iba pang lugar na nangangailangan ng tulong matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Sa interview ng RMN manila, sinabi ni Patrick Aurelio, Corporate Social Responsibility Assistant ng RMN Foundation, Inc. na inaalam na rin nila ang iba pang tulong na kailangan sa mga lugar na ito.
Kahapon, 400 pamilya sa Surigao at Dinagat Islands ang nahatiran ng relief goods ng RMN Foundation katuwang ang ating mga provincial stations at ang ating partner agencies na Pfizer Philippines Foundation Inc.
Ngayong araw, inaasahang ihahatid ang tulong sa 300 pamilya sa Cebu at Bohol.
Samantala, sa mga nais magbigay ng tulong para sa mga naapektuhan ng bagyo, mangyaring magpadala sa:
UCPB account number: 201-340-005-360
BPI account number: 0071-1015-25
PayPal.me: RMN Foundation