RMN Foundation, lumahok sa isinagawang 3rd Integrated STEM Leadership Summit

Naniniwala ang Radio Mindanao Network (RMN) Foundation na malaki ang maitutulong ng network upang ma-improved ang skills at workforce ng mga manggagawa kaugnay sa isinagawang 3rd Integrated STEM Leadership Summit sa Mandaluyong City.

Ayon kay Roda Navarro, Head ng RMN Foundation, napapanahon ang isinagawang 3rd Integrated Science Technology Engineering and Mathematics o STEM Leadership Summit katuwang ang Radio Mindanao Network Foundation upang matulungan ang mga manggagawa kung papaano ma-improve ang kanilang trabaho.

Sa pamamagitan ng Radyo Edukasyon program RMN Networks ay maihahatid at maipapalaganap sa iba’t ibang lugar sa bansa kung paano pa mapapataas ang STEM sa Pilipinas.


Mahigit isang daan ang lumahok na in-person participants sa summit na kinabibilangan ng matataas na opisyal, education leaders, at industry executives habang libo-libo naman ang lumahok sa virtual.

Tinalakay rito kung papaano matutugunan ang problema sa edukasyon lalo na’t ang Pilipinas ang pinakamababa sa larangan ng STEM.

Facebook Comments