Mas pinaigting pa ng RMN-IFM at Pangasinan State University ang partnership nito sa paghubog sa mga mag-aaral upang maging globally competitive.
Dumalo si RMN-IFM Dagupan Station Manager Mark Espinosa sa isinagawang Send Off Ceremony para sa OJT ng mga College of Arts Sciences and Technology Students ng Pangasinan State University Bayambang Campus.
Binigyang diin ni SM Espinosa ang kahalagahan ng pagpapalawak at paglinang ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-apply nito sa tunay na buhay gayundin ang mga katangiang dapat nilang taglayin.
Samantala, lubos ang pasasalamat ng tanggapan ng unibersidad sa patuloy na pakikiisa ng RMN IFM Dagupan sa layunin nilang maging globally competitive ang kanilang mga estudyante.
Sa kasalukuyan, dalawang empleyado mula sa IFM Dagupan ang nagtapos sa nasabing institution. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨