RMN Medical Mission 2019 pinaghahandaan na ng DXMD at IFM Gensan

General Santos City–Pinaghahandaan na ng DXMD RMN Gensan at ng I FM Gensan ang gagawing RMN Medical Mission 2019 na isasagawa sa August 31, 2019 sa isang mall dito sa lungsod.

Nasa mahigit isang libong mga beneficiaries ang target ng nasabing event na kaugnay parin sa ika 67th year Founding anniversary ng RMN networks na na ipinagdiwang noong August 28.

Maliban sa Medical Mission may libreng gupit pa ang Feeding Program para naman sa mga dadalo sa nasabing medical mission.


Partner ng DXMD at IFM ang LGU Gensan, City Health Office, Philippine Medical Society, PNP at iba pang Stake holders.

Ang RMN Medical Mission ay Isa rin sa mga event ng Tuna festival 2019.

Samantala pinaghahandaan rin ng RMN Gensan at IFM ang gagawing RMN Fiesta Watch at ang Sugbahan sa Gensan na gagawin sa September 4, 2019, isa sa mga highlight ng selebrasyon ng Tuna Festival 2019.

Facebook Comments