RMN, namamayagpag bilang No. 1 sa AM at FM sa Iloilo

Ipinagmamalaki ng RMN Networks na ang siyudad ng Iloilo ay isang “RMN Radio City”.

Batay kasi sa Second Quarter ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) – Kantar Radio official survey, nanguna sa himapapawid ang RMN sa buong Iloilo City na may total radio listenership marketshare na nasa 72% kumpara sa iba pang katunggali nitong radio networks.

Ang DYRI 774 RMN Iloilo ang nangungunang AM Radio Station na may marketshare na 69%. Habang ang namamayagpag bilang No. 1 FM station ang 95.1 iFM na may marketshare na 75%.


Isang malaking karangalan para kay DYRI RMN Iloilo Station Manager Ronel Sorbito na maging #1 muli ang RMN sa Iloilo.

Nagpapasalamat din si SM Sorbito sa kanyang mga kapwa Radyoman sa patuloy na pagpapamalas ng sipag at dedikasyon para mabuo ang tinatawag niyang ‘dominant’ RMN Iloilo Team.

Iniaalay din ni SM Sorbito ang tagumpay na ito sa kanilang mga solid na tagapakinig at titiyaking patuloy na ihahatid ang mga dekalibreng balita, drama, at serbisyo publiko.

“Sa mga diehard Ilonggo listeners and supporters, sa Pilipinas man kayo o sa abroad, para sa inyo po ang panalong ito. Hindi po namin kayo bibiguin sa balita, drama, at lalo-lalo na sa serbisyo publiko. Ang RMN po ay maaasahan ninyo,” sabi ni Sorbito.

Nagpapasalamat naman si 95.1 IFM Iloilo Station Manager Roderick Cejes sa kanilang mga “idol” listeners at sisikapin nilang maibigay ang entertainment na hinahanap nila.

“Maraming salamat din sa mga tagapakinig, mga listeners, mga idol. Thank you po for making us number 1. At ang maipapangako lang po namin, we’ll do our best para makahanap po ng paraan para patuloy po naming maihatid sa inyo ang saya, entertainment,” sabi naman ni Cejes.

Sa Facebook message, sinabi ni RMN Executive Vice President and Chief Operating Officer Rico Canoy na sa kabila ng mga hamong idinulot ng nagdaang bagyo noong nakaraang taon at ng COVID-19 pandemic para limitahan ang kakayahan ng ating mga Radyoman sa paghahatid ng balita sa serbisyo publiko, agad itong naresolba sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong transmitter at pagkakabit ng mga kinakailangang equipment.

Sa pamamagitan aniya ng leadership nina SM Sorbito at SM Cejes sa loob ng limang buwang pagsisikap at tibay ng loob, nagawa muling maabot ng RMN ang mga tagapakinig at naihatid sa kanila ang mga mahahalagang impormasyon patungkol sa pandemya.

Lubos na nagpapasalamat si Mr. Canoy sa lahat ng masugid na tagapakinig, partners at advertising clients sa patuloy nilang pagsuporta sa RMN.

Contralulations mga Radyoman!

Facebook Comments