Naga City, Bicol – Naging matagumpay ang isinagawang RMN Network’s Dugtong-Buhay 2023 Caravan: Bloodletting Project ng RMN Foundation at Pfizer Philippines Foundation noong July 12 sa Camaligan People’s Center, Camaligan, Camarines Sur at noong July 14 sa Robinsons Naga, Naga City kasabay ng selebrasyon ng National Blood Donor Month ngayong buwan.
Umabot sa halos dalawang-daang (181) bags ng blood components ang nakolekta sa mga nasabing bloodletting activity sa tulong ng Bicol Medical Center-Blood Bank and Transfusion Service, RMN DWNX Naga at Municipal Government of Camaligan. Bukod sa bloodletting activity, nagsagawa rin ng libreng screening for HIV at AIDS ang Naga City Health Office.
Sa panayam naman ng RMN DWNX Naga kay Dr. Raymundo Ibarrientos, Blood Bank and Transfusion Service Head ng Bicol Medical Center (BMC), ang mga nakokolektang blood components ng BMC ay hindi lang nila naibabahagi sa iba’t ibang probinsya ng Bicol Region kundi pati na rin sa mga ospital na nangangailangan sa Metro Manila, gayun din kapag may kalamidad o sakuna tulad ng bagyo, lindol at pagputok ng bulkan.
RMN BLOOD EXPRESS
Ang mga nakolektang blood components ay ibinahagi naman ng BMC katuwang ang RMN Foundation para maihatid sa The Medical City bilang kanilang storage facility at makapag-supply ng dugo sa mga nangangailangan sa Metro Manila. Kabilang din ang Philippine General Hospital, St. Luke’s Medical Hospital-Quezon City at St. Luke’s Medical Hospital-Global City sa mga partner hospital ng BMC sa Metro Manila upang paglagakan ng mga nakolektang blood components.
Naging katuwang din sa proyektong ito ang Home Suite, Giant Carrier, Poten-Cee, JDP Creatives Media, University of Nueva Caceres-Nursing Students, Camaligan Municipal Health Office, at Barangay Health Workers of Camaligan.
Para sa karagdagan impormasyon, PANOORIN ANG FULL INTERVIEW NG RMN NAGA DWNX DITO: https://www.facebook.com/rmndwnxnaga1611/videos/825740809159200
Lubos naman ang pasasalamat ng RMN Foundation at Pfizer Philippines Foundation sa lahat ng nakibahagi, tumulong, at nag-donate.
Ang proyektong ito ay bahagi ng ‘Radyo Sustansaya program’ ng RMN Foundation na nakatuon sa Health, Wellness and Nutrition programs and projects.
Ang RMN Foundation ay ang corporate social responsibility arm ng RMN Networks, Inc.
Sa mga nais tumulong at maging partner ng RMN Foundation sa mga programa at proyekto nito, bisitahin lamang ang www.foundation.rmn.ph.
Report by: Patrick Aurelio, RMN Foundation