RMN Networks, patuloy ang pamamayagpag sa bansa

Patuloy ang pamamayagpag sa bansa ng Radio Mindanao Networks Inc. (RMN).

Dinomina ng RMN Network ang buong Western Visayas, batay sa resulta ng 2018 2nd semester survey ng Kantar Media.

Sa survey, nangunguna ang RMN Networks na nakakuha ng 26 percent market share.


Naungusan nito ang Bombo Radyo na may 23 percent lang, MBC na may 20%, RGMA – 16% at ABS-CBN – 9%.

Matatag din sa unang pwesto ang DYRI-RMN iloilo at iFM 95.1 sa Iloilo City, maging ang DYHB-RMN Bacolod at iFM Bacolod.

Naging mahigpit ang laban dahil parehong nakakuha ng 26 percent na market share ang DYRI-RMN Iloilo at iFM Iloilo.

Habang dinomina naman ng DYHB ang AM radio station sa Bacolod City matapos na makakuha ng 50.93 percent share.

Malaki rin ang inangat ng IFM Bacolod na ngayon ay nasa pang-ikaapat na pwesto at may 11.20 percent market share.

Facebook Comments