Nakiisa ang mga personnel ng Regional Maritime Unit 1 (RMU1) at Dagupan Maritime Law Enforcement Team (MLET) sa ika-42 Pledge 25 at Mass Blood Donation na isinagawa noong Oktubre 14, 2026, sa ULDLFS Estadio sa Dagupan City, Pangasinan.
Pinangunahan ni PLTCOL Leo S. Llamas, assistant chief ng RMU1, ang pakikibahagi ng mga personnel sa gawain na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross.
Layon ng aktibidad na hikayatin ang boluntaryong pagbibigay ng dugo at matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan nito.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtibay ng RMU1 ang pakikiisa nito sa mga gawaing pangkomunidad, pangkalusugan at makatao, bukod sa tungkulin nitong magpatupad ng batas sa karagatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








