ROAD ACCIDENT | 2, sugatan matapos mahulog sa hukay ang kanilang sinasakyan

16

Manila, Philippines – Sugatan ang dalawang pasahero matapos mahulog sa hukay ang kanilang sinasakyan sa Lopez Street sa Tondo, Maynila.

Ayon sa driver ng taxi na si Edgar Pedroso, madilim umano ang lugar kaya hindi niya nakita ang harang na nakapalibot sa hukay.

Sa lakas ng pagkabangga, natanggal ang dalawang ngipin ng pasahero na naka-upo sa harapan habang nagtamo naman ng sugat ang pasaherong nasa likuran.

Nangako naman ang may-ari ng taxi na tutulungan ang dalawang pasaherong nasugatan.

Facebook Comments