ROAD ACCIDENT | Apat na magkakamag-anak, sugatan sa aksidente sa Capiz

Capiz – Sugatan ang apat na magkamag-anak nang aksidenteng mahulog ang kanilang sasakyan sa Barangay Cabungahan, Maayon, Capiz.

Nakilala ang mga biktima na may mga sugat sa katawan na sina Ervy Denosta, driver ng sasakyan, Joseph Velasco, Ely Bane at Marlon Bismanos.

Sa ulat, pauwi na ang mga biktima galing sa fiesta nang makaidlip si Denosta at biglang nawalan ng kontrol sa manibela hanggang sa mahulog sa gilid ng kalsada saka tumagilid ang sasakyan.


Agad naman sumaklolo ang mga residente sa lugar kung saan mabilis na isinugod sa ospital ang mga biktima.

Facebook Comments