ROAD ACCIDENT | Isa patay, matapos tumagilid ang isang van sa Ilagan City

Ilagan City – Patay ang isang pasahero matapos tumagilid ang isang van sa national highway, Barangay Manaring, Ilagan City.

Nakilala ang nasawi na si Romilyn Palattao kung saan labing tatlong iba pang pasahero ang sugatan.

Kwento ng driver ng van na si Michael Gucheco na mabagal lamang ang kaniyang takbo sa pakurbadang daan ng highway pero hindi na niya nakontrol ang manibela kaya at tumagilid ang sasakyan.


Hindi naman umubra ang palusot ni Gucheco dahil lumalabas sa imbestigasyon na mabilis ang takbo ng van kaya at naaksidente ito.

Facebook Comments