ROAD ACCIDENT | Labing tatlong tao, sugatan matapos mahulog sa drainage ang isang multicab sa Iligan City

Iligan City – Sugatan ang labing tatlong tao matapos mahulog sa drainage ang isang multicab sa Barangay Maria Christina, Iligan City.

Sa ulat, puno ng mga pasahero ang multicab na minaneho ng isang Cairoden Manla nang mahulog ito sa malalim na kanal.

Tatlong biktima ang nasa kritikal na kondisyon na kinilalang sina Rosenaya Malna, Payango Malna at Munaro Malna na pawang naka-confine sa Mercy Community Hospital sa naturang siyudad.


Napag-alaman na mabilis ang takbo ng sasakyan nang mahulog ito kung saan inamin din ng drayber na nawalan ito ng kontrol na naging sanhi ng aksidente.

Facebook Comments