ROAD ACCIDENT | Mag-asawa, sugatan matapos mahagip ng van ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Roxas Boulevard, Maynila

Manila, Philippines – Sugatan ang isang mag-asawang sakay ng motorsiklo matapos masagi ng isang van sa northbound lane ng Roxas Boulevard, sa Maynila.

Kwento ng mister na si Joselito Falcon, bigla na lamang daw silang ginitgit hanggang sa masagi ng van kahit na nasa gilid na sila ng kalsada.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang mag-sawa sa bangketa kung saan agad silang isinugod sa ospital matapos magtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan.


Hindi naman nagpakilala ang driver ng van pero kusa naman itong sumuko sa mga pulis pero iginiit na ang mag-asawa ang siyang sumingit bago pa man siya huminto sa gilid ng kalsada.

Facebook Comments