BUY-BUST OPERATION | Apat, patay sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan

Bulacan – Patay ang apat na tao sa magkahiwalay na operasyon sa iba’t-ibang lugar sa Bulacan.

Dead on the spot si alyas Pilay at nakatakas ang kasama nito matapos pumalag sa mga otoridad buy-bust operation sa Barangay Sampaloc, San Rafael.

Nagkabarilan naman sa mga pulis ang drug suspect na si Jerry Santiago sa Barangay Batia sa Bocaue, dahilan kaya ito napatay.


Sa Malolos City naman, napatay sa engkwentro si Benjamin Sarmiento kung saan nakuha sa kaniya ang P18,000.00 na halaga ng shabu.

Samantala, patay naman ang kilabot na magnanakaw ng motorsiklo sa Poblacion, Sta. Maria.

Sa ulat, ibinibenta ng suspek na si Caloy Calunod ang isang nakaw na motorsiklo sa halagang P5,000 pero nagpaputok ito nang makahalata na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Facebook Comments