ROAD ADVISORY | Ilang kalsada sa Maynila, isasara dahil sa mga aktibidades ng INC

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng pamunuan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at MMDA ang mga motorista na asahan na ang pagsisikip ng trapiko dahil sa ilang kalsada ang isasara ngayong weekend.

Isasara ang ilang lansangan ng Maynila para sa gaganapin na Worldwide Aid to Fight Poverty ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Sabado at Linggo, Hulyo 14 at 15.

Sa maagang abiso na MMDA at ng MTPB mula 6pm ng Hulyo 14, isasara ang kahabaan ng Katigbak Drive, South Drive at Independence Road sa mga motorista.


Simula naman ang pagsasara ng ilang kalsada sa Hulyo 15 ng 12:01 ng hatinggabi, kabilang na ang bahagi ng:
– Road-10 mula Moriones hanggang Delpan Bridge
– Bonifacio Drive mula Delpan Bridge hanggang Katigbak Drive
– Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo
– East at Westbound lane mula P. Burgos Lagusnilad hanggang Roxas Boulevard
– Finance Road mula Taft Avenue hanggang P. Burgos
– Westbound lane ng TM Kalaw mula M.H del Pilar hanggang Roxas Boulevard
– Westbound lane ng Pres. Quirino mula M.H del Pilar hanggang Roxas Boulevard

Inaabisuhan ang mga motorista na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta:

Ang mga sasakyan na dumaraan sa southbound lane ng R-10 ay dapat kumaliwa sa Moriones Street.

Habang ang mga manggagaling ng Pasay patungong northbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat kumanan sa P. Ocampo Street, o dumaan sa service road ng Roxas Boulevard patungo sa kanilang destinasyon.

Para sa mangagaling ng Quezon, McArthur at Jones Bridge na dumaraan sa Southbound lane ng Roxas Boulevard ay maaring dumeretso sa Taft Avenue patungo sa kanilang destinasyon.

Ang mga motorista naman galing ng Ayala Bridge ay maaring kumaliwa o kumanan ng Taft Avenue habang ang mga dumaraan sa westbound lane ng Pres. Quirino ay maaring kumaliwa sa Mabini Street.

Ang mga truck at malalaking sasakyan ay maaring dumaan sa Pres. Osmena at Pres. Quirino habang ang patungong Nagtahan ay maaring dumaan sa A-H Lacson, Yuseco, Capulong at R-10.

Sa pagtaya ng mga otoridad, inaasahan ang 200  libong miyembro ng INC ang lalahok sa okasyon na magaganap sa Rizal Park, Manila City.

Facebook Comments