Posibleng madaanan na ng mga motorista na ngayong linggo ang nasa 11 kalsadang isinara sa Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa bagyong Ompong.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, aabot sa 34 na road sections ang isinara sa lahat ng uri ng sasakyan sa rehiyon dahil sa nagbagsakang bato, nabuwal na mga puno, pag-agos ng putik at pagguho ng lupa.
Mayroon ding tatlong bahagi ng kalsada ang hindi madaanan sa Ilocos Region, isa sa Cagayan Valley at anim sa Central Luzon.
Facebook Comments