TAPATAN | Rep. Villafuerte, inakusahan ng pambu-bully si Andaya

Ibinunyag ni Camarines Sur, 2nd District Rep. LRay Villafuerte na hinamon siya ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ng suntukan.

Ito ang resulta ng pagpapaliban ng nakatakdang sponsorship ng panukalang 2019 national budget.

Inakusahan ni Villafuerte ng ‘pambu-bully’ sina Andaya at appropriations committee chairman, Davao City 1st District Rep. Karlo Nograles.


Ayon kay Villafuerte – nagbibigay siya ng kanyang punto sa mikropono nang sabihan siya na huwag magsalita ni Andaya.

Dagdag pa ni Villafuerte – sinigawan siya at minura ni Andaya saka nag-hamon.

Aniya, ang meeting ay ipinatawag ni Nograles na siyang magso-sponsor sana sa propose ₱3.757 trillion national budget pero hindi natuloy.

Hindi niya nagustuhan kung paano hawakan ng appropriations committee ang proposed budget.

Facebook Comments