ROAD ALERT | Bank drive sa Ortigas center, maaari nang daanan ng mga motorista

Pasig City – Bukas na sa mga pribadong motorista ang Bank Drive sa Ortigas Center na inaasahang makatulong sa pagluwag ng trapiko sa commercial district sa Pasig City.

Ayon sa MMDA Traffic Engineering Center ang mga sasakyan na dumaraan sa EDSA-northbound patungong Ortigas area ay maari nang kumanan sa Bank Drive mula 6 am hanggang 10 am.

Bago ito, ang mga motorista ay nakakaraan lamang patungong Ortigas area sa Guadix Drive na kadalasan ay nagkakaroon ng pagsisikip sa daloy ng trapiko dahil sa mga sasakyang papasok ng ADB compound.


Bago ito pinatupad, lumabas sa isinagawang “comparative analysis based on simulation” ng TEC na nabawasan ang travel time ng mga motorista na bumabagtas sa Edsa-northbound service Road sa Ortigas Avenue at mula Megamall hanggang Meralco Avenue ng 19 porsiyento.

Mula pitong minuto hanggang 41 segundo, ang average travel time ay naging anim na minuto at pitong segundo sa mga nabanggit na ruta.

Facebook Comments