Baguio City – Base sa pinakahuling impormasyon mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sarado muna sa mga motorista ang Benguet – Nueva Viscaya Road, sa kahabaan ng Sitio Jangjang, Ambuklao, Bokod, Benguet dahil sa mga naitalang pagguho.
Nagpapatuloy ang isinagawang clearing operations sa lugar.
Samantala, ang Acop-Kapangan- Kibungan- Bakun Road naman na isinara dahil sa rockfall ay patuloy na sumasailalim sa clearing operations na inaasahang bubuksan mamayang alas singko ng hapon.
Pinapayuhan naman ang mga motorista na magmumula sa Timog at tutungo sa Baguio, Benguet at Mt. Province na walang planong huminto sa Kenon Road ay makabubuting dumaan na lamang sa Marcos Highway, Tuba, La Uñion.
Facebook Comments