Dahil sa kaliwat kanang reklamo na natatanggap ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) bunsod ng ginagawa na halos parking lot ang kahabaan ng Greenhills.
Simula noong isang bwan mas pinaigting ng I-ACT ang mahigpit na pagpapatupad ng batas trapiko sa kahabaan ng Ortigas Avenue at Greenhills area partikular sa may La Salle Greenhills
Ayon sa I-ACT, nagkaroon sila ng mahigpit na panuntunan sa lugar upang hindi maka perwisyo sa iba pang motorist.
Kabilang na dito ang pag-iisue ng violation ticket sa mga illegally parked vehicles sa labas ng La Salle Greenhills.
Nagtalaga din sila ng drop-off zones kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang waiting o paghihintay, ang sinumang mahuhuling naghihintay ng lalagpas sa 30 segundo ay agad na titiketan.
Ipinatutupad narin ang color coding scheme sa LSGH habang ang mga magsusundo na wala pa ang inaabangang estudyante ay kinakailangan muling pumila at mahigpit na ipinagbabawal ang paghihintay.
May mga ipinoste naring CCTV cameras sa lugar nang sa gayon ay mahigpit na maipatupad ang mga nabanggit na panuntunan.
Sa kabilang banda nangako naman ang pamunuan ng LSGH na tatalima at irerespeto ang mga batas trapiko sa labas ng kanilang paaralan.