Manila, Philippines – Simula kagabi, ipinagpatuloy na ng Department of Public Works and Highways – National Capital Region ang repair at reblocking sa 8 road sections sa Quezon City at Caloocan City.
Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin Navarro, unang sumailalim sa repair ay ang outer lane at inner lane ng south bound direction ng A. Bonifacio Avenue, Sgt. Rivera; at second lane ng northbound direction ng Mindanao Avenue mula sa kabilang panig ng Ramer Village hanggang Mindanao Bridge I.
Kasama din sa repair ang fifth lane, northbound direction ng EDSA mula Howmart hanggang Oliveros; ang third lane, northbound direction ng Congressional Avenue Extension sa Miranilla Gate sa Quezon City.
Apektado din sa road repair at reblocking ang second lane, northbound direction ng C.P. Garcia Avenue mula Baluyot Street hanggang Pook Aguinaldo Street; unang lane, northbound direction ng Congressional Avenue mula Virginia hanggang Visayas Avenue; outer lane, northbound direction ng Quirino Highway malapit sa Sacred Heart of Jesus sa Quezon City; at ang Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City ay kasama din sa pagkukumpuni ng DPWH.
Inaasahang bubuksan sa Lunes ng madaling araw ang mga kalsada na sumailalim sa repair.