ROAD ALERT | MMDA, nag-abiso sa mga gagawing tulay sa Maynila

Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Maynila simula sa September 15 dahil sa pagkumpuni sa tatlong tulay at 1 flyover sa lungsod.

Binigyan ng MMDA ng clearance ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na gawin ang sumusunod:

– restoration ng Old Sta. Mesa Bridge
– emolition ng N. Domingo Bridge
– repair ng Mabini Bridge
– repair ng Nagtahan Flyover


Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang Old Sta. Mesa Bridge na nagkokonekta sa San Juan City at Manila ay isasara ng 7 buwan.

Ito ay para bigyan daan ang konstruksyon ng skyway 3 project na magkokonekta sa Quezon City at Makati.

Ide-demolish naman ang N. Domingdo Bridge para makadaan ang mga barges na magdadala ng equipment na gagamitin sa skyway project.

Habang tatagal ng 4 na buwan ang repair works sa Mabini Bridge at nagtahan flyover kabilang ang asphalt overlay at electrical works.

Nasa average na 37,000 na mga sasakyan ang dumaraan sa nasabing tulay at flyover kada araw.

Facebook Comments