ROAD ALERT | Pasig Traffic Bureau, nag-abiso sa mga motorista kaugnay sa ilang kalsada na sasailalim sa rehabilitasyon

Manila, Philippines – Simula ngayong araw hanggang sa July 13, asahan na ang mabigat na trapiko sa kahabahan ng Dr. Sixto Antonio Avenue, mula Barangay Maybunga at Rosario.

Ito ay dahil sa ginagawang rehabilitasyon sa drainage system ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Habang sa kahabaan din ng Pasig Blvd., simula ngayong araw rin hanggang sa March 15, isasaayos rin ng DPWH ang drainage system, gutter at sidewalk ng naturang kalsada.


Pinapayuhan ang mga motorista na humanap na lamang ng mga alternatibong ruta upang hindi na maabala sa pagbiyahe.

Facebook Comments