ROAD ALERT | Road reblocking, ipatutupad dahil sa road repair works ng DPWH sa ilang bahagi ng EDSA

Manila, Philippines – Asahan na ang bahagyang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA at iba pang kalsada dahil sa road repair works na ipinatutupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay DPWH-NCR Regional Director Melvin Navarro, kagabi pa pinasimulan ang repair sa tatlong road sections ng EDSA sa Quezon City kabilang ang northbound direction sa harap ng Vertis North hanggang Trinoma Mall, maging ang ikalawang lane, at southbound direction mula sa harap ng M. Ignacio Diaz hanggang P. Tuazon Boulevard.

Kasama din sa inaayos ang unang lane mula sa Center Island at mula Eugenio Lopez Street hanggang Scout Borromeo, Innermost Lane.


May road reblocking at repair works ding ginagawa sa España Boulevard patungo sa Quiapo sa Maynila. Ito ay mula sa Ramon Magsaysay High School hanggang sa bahagi ng A.H. Lacson.

Sa Quezon City pa rin ,may road repair works din sa Quirino Highway, mula Lagro hanggang Mater Carmeli outer lane; Congressional Avenue , mula San Beda Road hanggang Visayas Avenue, 3rd lane; at A. Bonifacio Avenue, hanggang sa pagkatapos ng C3, Outer Lane, Northbound.

Tiniyak ni Navarro na matatapos ang mga road repair works at bubuksan sa mga motorista sa Lunes ng madaling araw.

Facebook Comments