Nagsagawa ng road clearing operation ang pulisya sa kahabaan ng Buenaventura Street, Barangay Poblacion, Basista upang tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng publiko.
Sa isinagawang operasyon, tinanggal ang mga iligal na nakaparadang sasakyan, mga street vendor, at iba pang hadlang sa daan na nagdudulot ng pagsikip ng trapiko.
Maayos na pinayuhan at tinuruan ng mga umiiral na ordinansa ang mga apektadong indibidwal upang maagapan ang maayos na pagpapatupad at maiwasan ang posibleng panganib sa lugar.
Naging maayos at mapayapa ang buong operasyon at walang naitalang anumang insidente dahil sa kooperasyon ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










