Simula Nobyembre 16, muling ipatutupad ng lokal na pamahalaan ng San Juan ang road clearing operation sa lungsod.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ito ay bahagi ng preparasyon para sa transition sa “new normal” kaya kailangan na matiyak na malinis ang mga daanan o kalsada ng lungsod.
Ipinagmalaki naman ng alkalde na sa unang pagpapatupad ng road clearing operation sa bansa ay nakakuha ang lungsod ng 100% score mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 2019.
Kaya panawagan ni Zamora sa mga residente at mga opisyal ng lungsod na mas paigtingin pa ang pagsunod, pagsuporta at kooperasyon dito.
Matatandaang ipinag-utos ng DILG ang pansamantalang suspensyon ng road clearing operation 2.0 dahil sa pandemya.
Facebook Comments